Dagupan City – Isasagawa ngayong araw (Nov. 28, 2024) sa selected 2,000 beneficiaries sa bayan ng Lingayen ang grocery sa ginaganap na thanksgiving Gift Distribution mula sa Office of the Vice President.
Ayon sa Beneficiary na si Glenda Busto Cruz, masaya ito sa natanggap na grocery gaya na lamang ng bigas at iba pa.
Napabilang naman ito aniya dahil sa naging panayam sa kanila ng Department of Labor and Employment (DOLE) upang suriin ang kanilang sektor na sasailalim sa kategorya ng Informal sector workers, vulnerable sectors, displaced families, women in difficult circumstances, parents of CICL, KALIPI members, displaced Overseas Filipino Worker (OFW) at inactive OFW’s.
--Ads--