BOMBO DAGUPAN – Naniniwala ang isang abogado na emosyonal si VP Sara kung kaya nakapagbitaw siya ng salita laban sa pangulong Marcos.
Una nang sinabi ng Bise Presidente na may kinuha siyang assassin para patayin ang Pangulo sakaling magtagumpay ang isang plot laban sa kanya.
Ayon naman kay Atty. Joseph Emmanuel Cera, constitutional lawyer, sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, maaaring nag udyok sa bise presidente ay ang utos na ilipat mula sa House detention facility patungo sa Correctional Institution for Women ang kanyang chief of staff na si Undersecretary Zuleika Lopez
Matatandaan na nagpatawag ng press briefing si VP Sara matapos silbihan ng transfer order ng Blue Ribbon panel si Lopez para ilipat sa Correctional Institute for Women (CIW) facility sa Mandaluyong City kung saan sinabi ni Duterte na ang planong paglipat ay isang “attempted homicide.”
Para naman kay Cera, ang security ni Lopez ay mawawala na parang bula kapag nailipat naman talaga ito sa correctional.
Dagdag pa ito na nagiging tensyonado na tuloy ang mga lider sa bansa ngayon dahil sa mga kaganapan sa pulitika sa bansa.