Kapansin-pansin at agaw atensyon sa social media ang post ng actor na si Dominic Roque sa tagumpay ng bagong pelikula ng kanyang “bro” na si Kathryn Bernardo na Hello, Love, Again.

Sa social media post, ibinahagi ni Dominic ang ilang larawan na nagpapatunay na pinanood nito ang pelikula ni Kathryn at Alden Richards sa ika-apat na raw nito sa mga sinehan.

Aniya, alam ni Dominic kung ano ang mga naging sakripisyo at paghihirap ni Kathryn para gawin ang Hello, Love, Again, kaya naman ganoon na lamang ang kanyang saya nang tuluyan na itong lumabas sa takilya.

--Ads--

Bukod sa malapit niyang kaibigan na si Kathryn ay binati rin ni Dominic ang lahat ng bumubuo ng pelikula sa maganda raw nitong kinalabasan.

Ayon sa ulat, ang reunion movie ng KathDen ay humamig ng P90M sa ikatlong araw nito sa local cinemas, kaya umabot na sa P245M ang ticket sales nito sa loob ng three days.

Sa pangalawang araw nito noong November 14, bumaba ng halos 18% ang kinita ng Hello, Love, Again — P70M. Umabot sa P155M ang two-day gross nito.

Maituturing ring fastest Filipino film to reach the PHP150M-mark ang sequel ng Hello, Love, Goodbye (2019).

Ngunit pagdating ng ikatlong araw nito noong November 15, tumaas ng 28% ang hinamig ng Hello, Love, Again. Naka-PHP90M ito sa 726 cinemas, at umabot na nga sa PHP245M ang cumulative gross sa mga sinehan.