Dagupan City – Mas madali na ngayong hikayatin ang mga Pangasinense na magpakonsulta dahil sa GUICOnsulta o Government Unified Incentives for Medical Consultation, isang espesyal na programa ng Pamahalaang Panlalawigan sa pamumuno ni Governor Ramon V. Guico III.

Noong ika-5 ng Nobyembre, inilunsad ito sa mga Barangay ng Poblacion Sur, Alibago, at Primicias, kung saan 773 ang nakapagparehistro sa pamumuno ng Provincial Hospital Management Services Office (PHMSO).

Sa pamamagitan ng GUICOnsulta, sinusuportahan ng probinsya ang transportasyon at pagkain ng mga magpaparehistro sa Konsultasyong

--Ads--

Sulit at Tama o PhilHealth consultation. Ang programang ito ay naglalayong palakasin ang kamalayan at edukasyon ng mga mamamayan sa kahalagahan ng pagpapanatili ng magandang kalusugan.

Matatandaang unang hiniling ni Governor Guico ang tulong ng mga Barangay Health Workers (BHW) upang mapalawak ang rehistrasyon ng mga residente sa kanilang mga lugar. (Aira Chicano)