Dagupan City – Nanindigan ang AUTOPro Pangasinan na hindi pa rin magtataas ng pamasahe ang mga ito sa kabila ng sunod-sunod na Oilprice hike.

Ayon kay Bernard Tuliao, Presidente ng AUTOPro Pangasinan, ikinokonsidera rin kasi nila ang sitwasyon ng mga mananakay.

Bagama’t may inihan na silang P15 minimum fare ay hindi naman aniya nila ito ganoong tinututukan dahil na rin sa malaking pasanin din umano ito sa mga komyuter kung nagkataon.

--Ads--

Sa kabilang banda, bagama’t 4 na linggo nang sunod-sunod ang taas presyo ng krudo sa bansa ngayong buwa, on-going naman aniya ang pagrerelase ng fuel subsidy sa mga operators.

Samantala, nilinaw naman ni Tuliao na wala sa napagkasunduang Local Public Transport Route Plan o LPTRP ang ginawang pag-reorute at pag-harang ng mga POSO Dagupan sa mga Eastbound operators upang makapasok sa lungsod.

Kung kaya’t umaasa ang mga ito na makausap at maipaliwanag ang nangyaring rerouting gayong nakakapasok naman ang mga Modernized Jeepney ng Eastbound sa loob.