Mga kabombo! Agaw-atensiyon ngayon sa publiko ang ginawang renobasyon sa City Public Memorial Park sa Cagayan De Oro City.
Ito’y matapos na magpatayo ang mga ito ng playground, cottages, basketball court, at malalim na hinuhukay na inakala ng marami na gagawing swimming pool?
Ayon sa ulat, ang ginagawang mga proyekto sa naturang sementeryo na matatagpuan sa Barangay Camaman-an.
Dito naman nilinaw ni City Environment and Natural Resources Office (CLENRO) Chief, Engr. Armen Cuenca na hindi swimming pool ang hinuhukay sa lugar kung hindi man-made lagoon.
Kung saan magsisilbi itong isang imbakan ng tubig para malutas ang pagbaha sa sementeryo.
Dagdag pa rito, nilagyan na rin umano ng “green spaces” ang sementeryo para sa mga bumibisita sa kanilang mga yumaong mahal sa buhay.
Galing din umano sa pambansang pamahalaan ang pondo na ginamit sa proyekto na nagtatakda sa mga lokal na pamahalaan na maglaan ng “green spaces.”
Sa kabila nito, nilinaw naman ng pamunuan na bawal ang mag-overnight sa sementeryo at may ipatutupad na curfew simula ng 10PM hanggang 6AM sa susunod araw, mula sa October 31 hanggang November 3, 2024. Habang bubuksan naman ito sa mga bibisita sa ganap na 6AM hanggang 10PM.