BOMBO DAGUPAN – Viral ang isang post ng pagluluksa ng fan sa namayapang “One Direction” member na si Liam Payne, at isang babaeng nagdadalamhati sa pagpanaw nito.

Makikita sa post namay malaking larawan ni Liam Payne malapit sa isang napapalamutiang puting kabaong, at isang babaeng nakaitim naman ang nakaupo malapit dito.

Ayon sa ilang netizens, ang babae sa larawan ay masugid na tagahanga ni Liam at ng One Direction, at ito raw ang naisip niyang paraan para ipagluksa ang pagkamatay ng artist.

--Ads--

Noong Oktubre 16 nang magulantang ang mundo ng showbiz at mga fans dahil sa biglaang pagpanaw ni Payne.

Natagpuang wala ng buhay ang katawan ng singer matapos umano itong mahulog mula sa ikatlong palapag ng hotel na kaniyang tinutuluyan sa Argentina.