Dagupan City – Natagpuan ang katawan ng isang 70 anyos na lalaki sa ilog sa Brgy. Salinap sa syudad ng San Carlos.

Ayon kay Pmaj. Resty Ventinilla – Deputy Chief of Police ng San Carlos City PNP, walang tinamaong mga sugat o galos ang biktima na kinilalang si Carlito Flores Natividad, residente ng Brgy. San Jose sa bayan ng Aguilar.

Lumalabas naman sa inisyal na imbistigasyon, base na rin sa salaysay ng mga kasamahan ni Natividad, nagkayayaan umanong mag-inuman ang mga ito sa tabing ilog, hanggang sa napagdesisyunan nilang mamangka na lamang.

--Ads--

Dito na umano humiwalay si Natividad para sana lumangoy langoy muna mag-isa. Hangang sa tuluyan na nga itong nahila at nalunod sa bandang gitna ng ilog.

Isa naman sa nakikitang dahilan ng mga pulisya ay ang lalim at agos ng tubig, hindi ito marunong lumangoy, at ang kaniyang kalasingan.

Sinubukan pa namang iligtas ito ng kanyang mga kasamahan, ngunit hindi na rin nila ito naabutan pa. Nadala pa naman ang katawan ng biktima ngunut agad naman itong ideneklarang dedad-on-arrival.

Nagpaalala naman si Ventinilla sa mga pupunta sa ilog na isipin ang kanilang kaligtasan at huwag nang ipilit pa kung nakainom ng alak. (Nerissa Ventura)