DAGUPAN CITY – Naaresto ang 19 anyos na lalaki sa Brgy. Banaoang sa bayan ng Mangaldan na itinuturing na Top 4 Municipal Level Wanted Person.

Sa bisa ng Warrant of Arrest na inisyu ni First Judicial Region Br. 15 Dagupan City para sa violation ng sec. 10 (A) ng RA 7610 sa ilalim ng criminal case no. 2024-0818-D, na may petsang Oktubre 9, 2024 ay agad namang nahuli ang suspek.

Ayon kay PCapt. Hernando Martinez, PIO Mangaldan PNP na dinala ang inaresto sa Mapandan Community Hospital Mapandan para sa Physical and Medical Examination at pagkatapos ay dinala sa Mangaldan MPS para sa kaukulang disposisyon.

--Ads--

Samantala, arestado din ang isang 35 anyos na lalaki sa parehong bayan na itunuturing naman na TOP 6 Municipal Level Wanted Person dahil sa parehong violation.

Pareho namang may inirekomendang piyansa na P80,000 para sa mga ito.

Samantala, saad naman ni Martinez ay naging maayos ang pagkakahuli sa mga ito dahil hindi sila nagtago at sumama naman ng maayos sa awtoridad.