DAGUPAN CITY – Arestado ang Top 1 Most Wanted Municipal level sa kasong statutory rape sa bayan ng Bolinao.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay PCapt. Teofilo Pitalver, DCOP Bolinao PNP naireport ang pangyayari noong nakaraang taon kung saan ipinagbigay alam ito sa kapulisan ng biktima kasama ang nanay nito.

Napag-alaman na ang biktima ay 14 anyos lamang at mismong ang kaniyang stepfather ang humalay sakanya.

--Ads--

Lumalabas na nagsumbong ang bata sa ina nito na siya ay minomolestiya ng kanyang ama-amahan at kadalasan niya itong isinasagawa kapag wala ang ina ng biktima dahil nagtatrabaho ito sa kabilang bayan.

Bagamat ay nasa puder ng kaniyang stepfather ang bata ay mas madali nagagawa ng suspek ang panghahalay.

Kinilala naman ito na si Christopher Sernadilla Cacho , 45 taong gulang, construction worker, at residente ng Brgy.Samang Norte, sa naturang bayan.

Base sa isinagawang imbestigasyon ay napag-alaman din na hindi naman nakainom ang suspek at clear din ito sa mga ibang kaso gaya na lamang sa illegal drugs.

Samantala, pagbabahagi pa ni Pitalver na lagi silang nagsasagawa ng mga dayalogo sa bawat barangay sa kanilang bayan patungkol sa krimen sa panggagahasa at sexual harrassment upang magbigay kaalaman at kamalayan sa pagbabantay sa mga anak lalo na kapag menor de edad.

Paalala naman nito na huwag basta basta ipagkatiwala sa ibang tao ang anak at kung may ganitong insidente man ay ipagbigay alam agad sa awtoridad.