Dagupan City – Namahagi ng mga kagamitan ang Local Youth and Development Office para sa mga mag-aaral sa day care center sa bayan ng Infanta.

Ang nasabing pamamahagi ay pinagunahan ng naturang opisina katuwang ang Sangguniang Kabataan (SK) Federation at ng Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) para sa mga kinakailangang kagamitan ng mga bata tulad na lamang ng papel, lapis bag at iba pa.

Layunin ng inisyatibang ito na bigyang tulong at suporta ang abwat mag-aaral sa mga Day Care Centers Lalo na at nainiwala ang mga ito na dito nagsisimula ang paghubog sa pagkatuto ng bawat bata.

--Ads--

Bukod dito ito rin ay isa sa mga programa ng alkalde na bigyan ng pantay na oportunidad ang mga bata na magkaroon ng mas maliwanag na kinabukasan sa pamamagitan ng kalidad na edukasyon. (Aira Chicano)