Higit 30 na mag-partner ang nakilahot sa North American Wife Carrying Championship na ginanap sa harap ng maraming tao sa isang resort sa Maine, USA.

Ang mga lumahok ay buhat-buhat nila ang kanilang asawa habang dumadaan sa obstacles ng 254-metre course.

Gayunpaman, hindi importante na mag-asawa ang lumahok basta ang mahalaga ay isang lalaki at isang babae ang bumubuo sa isang mag-partner.

--Ads--

Nitong nakaraang sabado lamang nang maganap ito at kaniya-kaniya nang pasabog ang mga contestant kabilang na ang mag-asawang naka-costume ng Mr. Incredibles.

Kaniya-kaniya din sila ng strategy at ang iba ay nagmimistulang backpack ang kanilang partner.

Ang nanalo ay mag uuwi ng beer na may bigat na katumbas ka niyang partner na babae at prize money na 5 times sa bigat din ng kaniyang partner na babae.