Mga kabombo! Pangarap mo bang magkaroon ng isang iPhone 16?

Kung oo, talagang mapapa-sana all ka sa dalawang domestic helpers na nagkaroon ng sariling iPhone 16.

Ito’y matapos na regaluhan ng isang Malaysian content creator couple ang ng brand-new iPhone ang kanilang dalawang domestic helpers.

--Ads--

Kinilala ang couple na sina Jeff Leong at Inthira Kalanjiam.

Kung saan, inupload nila sa kanilang social media platform ang video habang sinusurpresa nila ang kanilang mga kasambahay na sina Sri at Neneng, parehong Indonesian national at two years nang namamasukan sa mag-asawa.

Sa video ng dalawa, makikita rin ang toddler daughter ng couple, habang papalapit sa dalawang kasambahay at dito na napaupo at napaiyak sa tuwa ang dalawang kasambahay nang malamang mamahaling smartphone ang regalo sa kanila ng mag-asawang amo.

Halos mahimatay naman ang dalawang househelpers nang makita ang regalo sa kanila ng mga amo.

Gaya ng iba, kapag nasusurpresa – napasigaw ang mga ito sa tuwa, napaiyak, at niyakap nang mahigpit ang mga inaalagaang anak ng couple.

Binigyang diin naman ng couple na pamilya ang turing ng mga ito sa kanilang mga kasambahay.