Dagupan City – Nagpatuloy ang Buklat Aklat Project Year Three ni Mayor Niña sa Malimpec Elementary School, bilang suporta sa pagpapalawak ng access ng mga mag-aaral sa mga aklat at iba pang learning materials.
Sa isinagawang aktibidad, ipinamahagi sa mga bata ang mga aklat at reading coloring materials.
Pinangunahan din mismo ni Mayor Niña ang reading session kasama ang mga mag-aaral, upang mahikayat silang mas maging interesado sa pagbabasa at pagkatuto.
Naging katuwang naman sa programa ang BPRAT, SK Federation, LYDO, at mga volunteer na tumulong upang maging maayos ang aktibidad.
Layunin ng Buklat Aklat Project na makatulong sa pagpapaunlad ng reading skills ng mga bata at madagdagan ang kanilang kaalaman sa pamamagitan ng pagbabasa.
Naging emosyonal naman ang pagtatapos ng reading session nang sabay-sabay na yumakap ang mga mag-aaral kay Mayor Niña bilang pasasalamat sa oras at atensyong inilaan niya para sa kanila.
Naroon din sina Councilor Jocelyn Espejo, Councilor Rhyan de Vera, at Councilor Raymond Camacho upang ipakita ang kanilang suporta sa programa.










