Dagupan City – Arestado ng Bugallon Police Station ang dalawang wanted person sa bisa ng warrant of arrest (WOA) kaugnay ng kasong Frustrated Homicide sa ilalim ng Article 249 ng Revised Penal Code.
Isinagawa ang pag-aresto noong Oktubre 1, 2026. Inirekomenda sa kaso ang piyansang nagkakahalaga ng ₱72,000.
Dinala at nananatili sa kustodiya ng Bugallon Police Station ang dalawang akusado para sa kaukulang disposisyon.
--Ads--
Patuloy namang isinasagawa ng pulisya ang mga kinakailangang proseso kaugnay ng kaso alinsunod sa umiiral na batas.










