Muling nasilayan ng isang mag-asawa sa Australia ang kanilang matagal nang nawawalang wedding video sa Scotland matapos itong makita sa isang social media post.

Laking mangha nang mag-asawa dahil nagpost si Terry Cheyne ng Aberdeen, Scotland, ng isang still image mula sa kaniyang koleksiyon ng kaniyang Super 8 films sa loob ng maraming taon.

Karamihan kasi sa kaniyang koleksiyon ay sarili niyang shots, ngunit nang magdesisyon itong itransfer ang kaniyang koleksiyon sa DVD ay laking gulat niya nang mapansing mayroong isang wedding reel ng dalawang taong hindi naman niya kakilala.

--Ads--

Napagdesisyonan ni Terry na ipost ang nasabing video sa isang social mediagroup,ngunitat pagkatapos ng anim na buwan ay hindi pa rin nahahanap ang pagkakakilanlan ng mag-asawa.

Makaraan ang ilan pang panahon at sa wakas ay nahanap na rin ang pagkakakilanlan ng mag-asawa.

Sobrang galak naman ang naramdaman ng mag-asawa dahil isang beses lamang nila napanood ang kanilang wedding video, bago ito aksidenteng maiwan sa kanilang hiniram na projector nang isauli sa mag-ari.

Sa ngayon ay nagbigay si Terry ng digitized copy ng wedding video sa mag-asawa. (Luz Casipit)