Mga kabombo! Usap-usapan ngayona ng pagdating sa bansa ng Filipino-American singer-songwriter and actress na si Olivia Rodrigo.

Ang kaniyang pagpunta dito ay para sa kanyang sold-out GUTS World Tour ngayong araw sa Philippine Arena sa Bulacan.

Matatandaan na nito lamang huwebes ng gabi, October 3, nakunan ng video ang pagdating ni Olivia sa NAIA (Ninoy Aquino International Airport) kasama ang kanyang boyfriend British actor na si Louis Patridge.

--Ads--

Ngunit bago pa man makarating si Olivia sa bansa, isang patikim na video ang in-upload ng singer sa social media platform kung saan makikitang dina-dub niya ang naging interview noon ni Cameron Diaz tungkol sa naging karanasan nito sa Pilipinas, kabilang na ang pagkain niya ng Filipino side dishes gaya ng lumpia at adobo.

Samantala, tila unti-unti nang ini-enjoy nina Olivia at Louis ang pagbisita nila sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglilibot sa ilang tourist spot sa Maynila at pagtikim sa mga pagkaing Pinoy.