Pinaalalahanan ni Senate Majority Leader Francis Tolentino ang Commission on Elections (COMELEC) na maging aletro at bantayang mabuti ang mga maghahain ng kandidatura.

Kung saan, binigyang diin nito ang posibilidad na maaaring may iba pang tulad ni dismissed Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo na kakandidato sa 2025 midterm elections.

Sinabi nito na dapat ay suriing mabuti ang mga maghahain kahit pa matatawag na ministerial lang ang kanilang tungkulin sa pagtanggap ng mga certificates of candidacy (COC).

--Ads--

Sa kabila nito, pinaalalahanan rin nito ang publiko na bukod sa COMELEC, mahalaga ring tumulong ang lahat at ang intelligence community kapag may mga kahalintulad na impormasyong makukuha.

Samantala, para kay Senate Minority Leader Koko Pimentel, hindi dapat ito ikabahala o ika-panic dahil tiyak naman na may mga remedyong inilatag na ang COMELEC.

Gaya na lamang ng mga adjustments na inilagay ng komisyon upang maiwasan na may isang dayuhan ang tatakbo sa public office.