Dagupan City – Nakapagtala na ng 19 na aspirants ang Sangguniang Panlalawigan ng Pangasinan.

Sa loob ng 3 araw na Filing ng Certificate of Candidacy inaasahang madaragdana pa ito sa susunod na mga araw.

Kung saan sa unang araw ay nagfile na sina Philip Theodore Cruz, Congressman Ramon Guico Jr., Nicholi Jan Louie Sison, Jesus Basco, at George Absolor.

--Ads--

Habang sa pangalawang araw naman ay sina Haidee Pacheco, Jerry Rosario, Marinor De Guzman, Rebecca Saldivar, Sheila Marie Baniqued, Jici Ventanilla, Pangasinan Governor Ramon ‘Monmon’ Guico III, at Pangasinan Vice Governor Mark Ronald Lambino at iba pa.

Sa kabilang banda naman, inaasahan sa lungsod ng Dagupan na dadagsain ito ng mga aspirants sa huling tatlong araw na ng filing ng COC.