Isang babae sa Italy ang nakasungkit ng isang world record matapos higitan ang may hawak ng “largest tongue circumference record.”

May katumbas na tatlong dila ang sukat ng dila ni Amber Collina o may laking 5.44 inches.

Nahigitan niya ang record ni Jenny DuVander ng Orefaon na may laking 5.21 inches.

--Ads--

Napagdesisyunann ni Collina na lumahok din sa Guinness Records matapos niyang makita ang litrato ni Dante Barnes, ang former record holder para sa male version.

Sa kasalukuyan, ang may hawak sa male version ay si Sacha Feiner ng Belgium kung saan may laking umaabot ng 6.60 inches ang kaniyang dila.