Hindi bababa sa 51 katao ang nasawi sa mga airstrike at operasyon ng Israel na nakatuon sa Khan Younis area sa southern Gaza.

Iniulat na pumasok ang mga tangke sa ilang bahagi ng lungsod at mga kalapit na lugar noong Martes ng gabi, na nagdulot ng putukan at matinding pambobomba ayon sa mga residente.

Isang sugatang lalaki na nakarating sa ospital ang nagsabi na “biglang pumasok ang mga tangke” sa kanilan lugar nang walang babala.

--Ads--

Samantala, sinabi ng Israel Defense Forces (IDF) na tinarget nila ang mga miyembro ng Hamas na nasa apat na paaralan na nagsisilbing kanlungan ng mga taong nawalan ng tirahan sa central at northern Gaza.

Ayon sa IDF, ang mga miyembro ng Hamas ay nag-ooperate sa loob ng “command and control centres” na nakatago sa loob ng mga paaralan sa Muscat, Rimal, Bureij, at Nuseirat.