DAGUPAN CITY – Pinagsasaksak ng 52-anyos na lalaki sa syudad ng San Carlos ang kaniyang dalawang anak at sinunog ang kanilang bahay.

Kung saan naireport abng insidente matapos makita ng isang witness ang pangyayari.

Agad namang pinarating ang BFP upang marespondehan ang insidente.

--Ads--

Base sa imbestigasyon dumating sa kanilang bahay ang suspek na siyang ama naman ng dalawang biktima na may edad 14 at 12 anyos.

At habang natutulog ang mga ito ay agad na lamang pinagsasaksak ng kanilang ama sa hindi matukoy na dahilan.

Matapos nito ay sinunog din niya ang kanilang bahay at agad ding umalis.

Agad naman na iniligtas ng nakakita ang mga biktima at dinala sa pinakamalapit na pagamutan para sa agarang medikal na atensiyon.