Hindi bababa sa 45 ang nasawi sa Estados unidos dahil sa pananalasa ng Hurricane Helene.

Patuloy nagsasagawa ng buwis buhay na rescue operations ang mga opisyal gamit ang kanilang mga bangka, helicopter, at malalaking mga sasakyan upang tulungan ang mga na-stranded sa pagbaha.

Marami ang mga kabahayan ang nawalan ng kuryente at nalubog sa baha.

--Ads--

Ito umano ang pinakamalakas na bagyo na tumama sa Florida patungong Georgia at California, matapos nitong maglandfall.

Ayon sa mga insurers at financial institutions na maaaring umabot sa bilyong dulyares ang halaga ng pinsala.

Bagaman humina na ang bagyo, nagbababala pa rin ang mga forecasters sa malalakas na hingin, pagbaha, at banta ng buhawi.