Dagupan City – Agad na inaksyunan ng Pamana Binmaley ang naranasang problema ng ilang kabahayan sa naturang bayan partikular na sa Barangay Gayaman.

Kung saan ay mistulang naging kulay kape na ang tubig sa kanilang nawasa.

Ayon kay sa barangay tanod na si Ricardo, napansin nilang nag-iba ang kulay ng kanilang tubig matapos na mag-igib ang kaniyang pamangkin ng isang balde sa kanilang faucet at dito na lumantad ang maruming kulay nito.

--Ads--

Kwento naman ng Barangay Health Worker na si Minaflor”, nagulantang din umano ito matapos na magtungo sa banyo upang magflush sana ngunit gano’n na lamang na nag-iba ang kulay ng kanilang tubig.

Samantala, sa kanilang salaysay, ito ang kauna-unahang pagkakataon na naitala ang pangyayari.

Sa kabilang banda, agad din umanong umaskyon ang Pamana Binmaley kung kaya’t naging mabilis ang pagresolba sa nasabing usapin.