Nakinabang ang ilang mamamayan ng San Quintin sa isinagawang tatlong araw na PhilSys Services na ginanap sa Municipal Event Center, kung saan maraming Quintinian ang nakatanggap ng mabilis at direktang serbisyo ukol sa Philippine Identification System (PhilSys).


Sa loob ng tatlong araw na aktibidad, naging mabilis ang pagpoproseso para sa National ID Registration ng mga bagong aplikante, Correction at Updating Services para sa mga gustong magpagawa ng tamang impormasyon sa kanilang records, at ang mabilis na Issuance ng ePhilID para agad na magamit ng mga residente bilang opisyal na pagkakakilanlan.


Ang inisyatibong ito ay naisakatuparan sa pangunguna ni Mayor Farah Lee M. Lumahan, bilang bahagi ng patuloy na layunin ng Lokal na Pamahalaan na ilapit ang mga pangunahing serbisyo ng gobyerno sa mamamayan.

--Ads--


Sa pamamagitan ng programang ito, naging mas madali, mas mabilis, at mas accessible para sa bawat residente ang pagproseso ng kanilang mga kailangang dokumento.