Dagupan City – Nasa kamay na ng mga awtroridad ang suspek sa pagpaslang sa 20-anyos na dalagita sa bayan ng Lingayen.

Kung saan ay kinilala ang biktima na si Evalend Salting, residente sa bayan ng Anda na siyang unang napaulat na nawawala dakong ala-7 ng gabi noong lunes, Setyembre 23, 2024.

Bagama’t nasa kamay na umano ng mga awtoridad ang suspek na kinilalang nobyo ng biktima aypatuloy pa rin ang pangangalap ng kapulisan sa karagdagang detalye na kaniyang ibinahagi.

--Ads--

Si Evalend ay ang natagupuang bangkay sa Baywalk ng Lingayen na 3rd-year college student sa Pangasinan State University – Lingayen Campus.