Hindi bababa sa 492 katao ang nasawi sa matindi at malawakang air strike ng Israel na nagta-target sa Hezbollah sa Lebanon, ayon sa health ministry ng bansa.

Libu-libong pamilya ang lumikas din sa kanilang mga tahanan habang sinabi ng militar ng Israel na naabot nito ang 1,300 target ng Hezbollah sa isang operasyon upang sirain ang imprastraktura na itinayo ng armadong grupo mula noong 2006 war.

Ayon sa health ministry ng Lebanon 35 bata at 58 kababaihan ang kabilang sa mga nasawi, habang 1,645 ang nasugatan.

--Ads--

Hindi naman iniulat kung ilan sa mga nasawi ang mga sibilyan o mga mandirigma.