Mga kabombo! Sabi nga nila, kapag birthday mo, kalakip mo ang swerte!

Talagang napa sana all ang lahat sa birthday girl na si Paige Hawkins sa pagselebra ng kaniyang ika-29th na kaarawan kamakailan kasama ang boyfriend na si Jimmy Lee, mga kapamilya, at kaibigan.

Paano ba naman kasi, habang kumakain ang mga ito sa isang seafood restaurant sa England, kung saan ay pinili ng kaniyang boyfriend ang putaheng isang mussel o tahong. At nang may makagat na niya ito sa hindi inaasahang pagkakataon, may kasamang tila matigas na piraso sa loob.

--Ads--

Agad namang tumigil ang kanyang boyfriend sa pagnguya at iniluwa ang nakagat na matigas, natuklasan ng mga ito na isa pala itong perlas.

Naisipan naman ng boyrfriend ni Paige na si Jimmy na iregalo ito sa girlfriend.

Aniya, plano niya umano itong gawing kuwintas.

Samantala, nagulat din naman ang may-ari ng restaurant na si Vee Alexander, at aniya, kada linggo ay nakakapag-serve sila sa bawa’t customers ng mahigit 25 kilos ng mussels, at ni minsan ay wala pang nakakuha ng perlas sa mga ito maliban kay Jimmy.