Matapos ang pagsabog ng handheld pagers ng mga miymebro ng Hezbollah sa Lebanon, sumunod naman ang ginagamit nilang walkie-talkies.

Ayon sa Health ministry ng nasabing bansa, nakapagtala sila ng 14 na nasawi mula sa insidente habang hindi naman bababa sa 450 katao ang sugatan.

Isang araw lamang nang makalipas ang unang insidente ng pagsabog ng mga pagers nang mangyari ito.

--Ads--

Hinihinala naman na ang Israeli spy agency na Mossad ang maaaring nasa likod ng mga pag-atake kahapon.

Tumanggi naman ang Israel na magkomento kaugnay dito.

Gayunpaman, sinabi naman ng defence minister ng Israel na magbubukas sila ng panibagong giyera at sesentro ito sa norte.