Nakatakdang gumawa si Marian Rivera ng kanyang inaabangang debut sa isang internasyonal na fashion week.

Dumating ang aktres at kanyang asawang si Dingdong Dantes sa Italy para sa Milan Fashion Week.

Sila ay personal na sinalubong ni Consul General Elmer Cato ng Philippine Consulate General sa Milan.

--Ads--

Makikita sa isang larawan ang welcome dinner na inorganisa para sa mag-asawa.

Bilang isa sa mga nangungunang Filipino endorsers, nakatulong umano ang aktres sa matagumpay na pagpasok ng inindorsong produkto sa merkado, na ngayon ay may higit sa 20 tindahan na sa Pilipinas at marami pang nakatakdang buksan.

Ang pagdalo ni Marian sa Milan Fashion Week ay naging posible sa tulong ng makeup brand na kanyang ineendorso, na isa ring pangunahing sponsor ng edisyong ito ng Milan Fashion Week.