Matapos ang ilang taong pagtatago sa Manila ay naaresto ang isang wanted person sa kasong 2 counts of Statutory Rape sa bayan ng Mabini dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PCAPT. Bonald Paragas, chief of police ng Mabini PNP, nangyari ang panghahalay ng 20 anyos na suspek sa isang menor de edad sa lungsod ng Alaminos noong nakaraang taon.

Napag alaman na kinuha ng mga magulang ng biktima ang suspek upang gawing caretaker ng bahay at taga-hatid sundo ng batang biktima.

--Ads--

Isinagawa ang panghahalay sa biktima sa loob mismo ng kaniyang bahay habang wala ang kaniyang mga magulang.

Nalaman na lamang ng mga magulang ng biktima ang pangyayari nang magsumbong ang kanilang anak tungkol sa pangyayari.

Pagkatapos ng insedente ay nag-umpisa nang magtago na suspek sa Maynila.

Sa ngayon ay nahaharap ang suspek sa kasong 2 counts of Statutory Rape.