Pinabulaanan ni Pangasinan Sual Mayor Dong Calugay ang alegasyong may relasyon sila ni Dismissed Bamban Tarlac Mayor Alice Guo, kung saan ang mga nakikitang mga tila “couple shirt” aniya ay nagkataon lamang.

Ang napapaulat naman na Alisel Aqua Farm sa bayan ng Sual, sinabi ni Calugay na hindi nito alam kung sino ang nagmamay-ari nito.

Nang tanungin naman ni Estrada kung nag-ooperate pa rin ito sa Sual, binigyang diin ng alkalde na hindi na ito nagsasagawa ng anumang operasyon at binigyang diin nito na nagsasabi ito ng katotohanan.

--Ads--

Kaugnay nito, ang kinatatayuan naman ng Happy Penguin Resort na nasa parehong bayan – sinabi ni Calugay na ito ang lupang ibenenta niya noong hulyo sa kasalukuyang taon (2024) sa may ari na ngayong kinilalang si “Veronica Soriano”.

May mga ilan pa namang nadiskubreng mga resort na nasa ilalim ng pangalan ni Guo Hua Ping o Alice Guo at alkalde gaya na lamang ng Happy Land Resort.