BOMBO DAGUPAN- Nakakaranas ngayon ng matinding pagbaha sa Central at Eastern Europe dulot ng paghagupit ng bagyong Boris sa kontinenta ng Europa.

Isa namang bumbero sa Austria ang nasawi sa pagbaha nang magsagawa sila ng isang flood rescue operation. May mga naitala na din pagkakalunod sa Poland at Romania, habang ilang mga tao ang pinaghahanap sa Czech Republic.

Marami na din ang lumikas patungo sa mas mataas na kalupaan dahil sa pagtaas ng tubig baha.

--Ads--

Samantala, naidineklara ng disaster area ang isang probinsiya sa Austria.