BOMBO DAGUPAN – Naging mainit ang naging debate nina US vice president Kamala Harris at dating US president Donald Trump.

Malaking epekto ang maaaring idulot ng mga ganitong pagtatalo sa opinyon ng publiko, lalo na sa kasalukuyang political landscape ng US.

Si Harris ay nakinabang sa snap polls, na nagpapahiwatig na siya ang nanalo sa debate, ngunit si Trump naman ay mabilis na nagsabing siya ang totoong nagwagi.

--Ads--

Samantala, ang endorsement mula kay Taylor Swift ay malamang din umanong makakaapekto rin sa mga botante, lalo na sa mga mas batang demographic na malaki ang impluwensiya ng mga celebrity endorsements.

Dahil dito ay inaasahan na magiging mas kapanapanabik ang laban habang papalapit ang eleksyon sa Nobyembre.