BOMBO DAGUPAN – Nasawi ang tatlong katao habang isa naman ang nakaligtas sa nangyaring salpukan ng tricycle at motorsiklo sa barangay Olo Cacamposan sa bayan ng Mangatarem dito sa lalawigan ng Pangasinan.

Ayon kay PMAJ Ramsey Ganaban, chief of police sa Mangatarem PNP, sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan, nangyari ang aksidente sa kahabaan ng Romulo Highway, kung saan ang tricycle na papuntang Tarlac ay nakasalpukan naman ang kasalubong na motorsiklo.

Lumalabas sa imbestigasyon na biglaan ang pagliko ng tricycle na minamaneho ng 52 anyos na lalaki na dahilan ng banggaan at pagkahulog sa sasakyan ng mga sakay na kinabibilangan ng 52 anyos na lalaki.

--Ads--

Sinasabing ang driber ng motorsiklo na 24 anyos ay galing umano sa inuman.

Pawang walang suot na reflectorized vest ang dalawang drayber.

Agad na dinala sa ospital ang driber ng tricycle at back ride ng motorsiklo na 17 anyos pero deneklarang dead on arrival ng attending physician.

Sa kasawiang palad, binawian na rin ng buhay habang ginagamot sa ospital ang driber ng motorsiklo samantalang nakaligtas at nagpapagaling ang sakay ng tricycle.