BOMBO DAGUPAN – Matapos ang ilang taon na pagtatago ay naaresto ng mga kapulisan ang isang wanted person sa kasong panggagahasa sa Santo, Tomas Batangas.

Ayon kay PLT.Col. Radino Belly, COP, Bolinao PNP, 2018 pa nang nangyari ang panggagahasa.

Aniya, ang mga tauhan ng Bolinao PS ay nagsilbi ng Warrant of Arrest sa custodial facility ng Bolinao PS laban kay Jose Visoc Castellano, 74 taong gulang, balo, magsasaka, tubong Brgy. Arnedo, Bolinao at kasalukuyang nakatira sa Brgy. San Antonio, Santo Tomas, Batangas.

--Ads--

Ang nasabing Warrant of Arrest ay inilabas ng Presiding Judge, RTC Branch 54, sa Lungsod ng Alaminos sa ilalim ng Criminal Case # 8410 para sa kasong Panggagahasa sa ilalim ng Sec. 5 ng RA 7610 at 8409-A para sa Kasong Lascivious Conduct sa ilalim ng Sec. 5 (b) ng RA 7610 na may petsang Disyembre 28, 2018.