Dagupan City – Pinahanga ni Miss international Philippines 2024 Sophia Nicole Arkanghel ang bansang Pilipinas sa ipinakita nitong performance at makapasok sa top 6 Miss International Queen 2024.

Ayon kay Noreen Barber, Founding Chairman, Trans Society of the Philippines, bagama’t marami ang nanghinayang nang hindi na nabanggit ang kaniyang pangalan na mapabilang sa top3, hindi pa rin maitatanggi na nakuha nito ang masa.

Kung titignan din kasi aniya, 3 beses ng nakamit ng bansa ang korona at magsisilbi sanang pang-5 si Sophia.

--Ads--

Bagama’t bigo itong makapasok at makapag-uwi ng titulo, binigyang diin naman ni Barber na magmula sa opening hanggang sa Q&A portion ay hindi nagpatinang ang kandidata ng bansa at naging maganda ang performance nito.

Matatandaan na kinoronahan itong Miss International Queen Philippines 2024 noong Abril 14, 2024.
Kung saan tinalo ni Arkanghel ang 32 opisyal na kandidata sa patimpalak-kagandahan para sa transgender women.
Naghakot din siya ng special awards, kabilang ang best in long gown at best in swimsuit.