BOMBO DAGUPAN – Ibinahagi ng isang eksperto ang kahalagahan ng Family Planning Methods para sa mag-asawa ngayong Family Planning Month.

Ipinagdiriwang ngayon buwan ng Agosto ang Family Planning Month ng Department of Health sa pamamagitan ng Proclamation no. 429 series of 1994 na naglalayong pa-igtingin at palaganapin ang kaalaman ng publiko hinggil sa kahalagahan ng wastong pagpaplano ng Pamilya.

Sa panayam ng Bombo Radyo Dagupan kay Dr. Paola Angela Q. Asunto-Bobis, Medical Officer IV ng Department of Obstetries and Gyniecology sa Ilocos Training and Regional Medical Center na pokus nila ngayong buwan na maipalaganap at maipaalam ang iba’t ibang klase ng family planning method sa mga tao sa buong rehiyon uno at sa bansa.

--Ads--

Aniya na maraming klase nito una ay ang Permanent type method na mataas ang binibigay na protection sa mga gumagamit nito gaya ng sterilization, tubal ligation and, vasectomy.

Sunod dito ay ang Long Acting Reversable Contraceptives gaya ng IUD o IntraUterine Device, kasama din ang Hormonal and Property gaya ng Pills, injectable, at iba pang pills na maari sa breast feeding at Implanon o Progestin Subdermal Implant o PSI.

Isa din dito ang Barrier Method gaya ng paggamit ng Condom habang hindi mawawala ang Natural Family Planning Method para sa mga ayaw gamitin ang kanilang ibang methods gaya ng kakapanganak na mga nanay meron itong tinatawag na LAM o Lactitional Amenorrhea Method.

Kaugnay nito ang pinakasikat umano sa ngayon na Family Planning Method ay ang Implanon o Progestin Subdermal Implant na nilalagay sa upper arm ng babae na tumatagal ng 3 taon.

Dagdag pa nito na ito ang tinatangkilik ng mga kababaihang Pilipino dahil malaki ang magagawang protection nito dahil ito ay user friendly.