BOMBO DAGUPAN – Nanawagan ang Alliance of Healthcare Workers na i abolish na ang PhilHealth.

Ayon kay Robert Trani Mendoza,Presidente ng Alliance of Healthcare Workers sa panayam sa kanya ng Bombo Radyo Dagupan, dapat maibigay sa mga hospital ang pondo dahil sila ang nakakalam kung sino ang bibigyan ng libreng serbisyong pangkalusugan.

Panawagan nila ay dagdagan ang budget ng mga hospital upang lahat ng mamamayan ay maka avail ng libreng serbisyo.

--Ads--

Kinuwestyun din ni Mendoza ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury, mas mainam na tugunan ang sebisyong pangkalusugan ng mga mamamayan.

Matatandaan na nanawagan ang mga Healthcare workers sa gobyerno na itigil ang paglilipat ng sobrang pondo ng PhilHealth sa national treasury para gamitin sa unprogrammed budget o pork barrel ng mga mambabatas.