Dagupan City – Dumepensa ang actress at fashion influencer na si Heart Evangelista matapos na pasuotin niya ng multi-million-peso worth luxury-brand necklace ang kanyang alagang aso.

Ito’y matapos na maging usap-usapan ang ipinost ni heart sa kaniyang social media account na larawan ng kanyang alagang asong si Panda na suot ang Serpenti Viper necklace mula sa luxury jewelry brand na Bulgari.

Ang presyo kasi ng high-end necklace ay tumataginting na P11 million.

--Ads--

Dahil dito, makikita sa comment section ang sunud-sunod na batikos ng netizens kay Heart.

Kasama na nga rito ang natanggap niyang kritiko na tinawag na “disrespect” daw ito sa craftmanship ng kilalang fashion brand.

Marami rin ang pinaratangan siyang “insecure” at gumawa umano ng “shade” o patama kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach, na napiling Philippine brand ambassador ng Bulgari noon lamang June 2024.

Inihambing kasi ng mga nitizens na ang isinuot na kuwintas ng aso ni Heart sa suot na Serpenti emerald and diamond necklace ni Pia sa kanyang post noong June.

Kung saan ang kuwintas ni Pia ay nagkakahalaga ng 220,000 Swiss francs hanggang 325,000 Swiss francs o katumbas ng P14 million hanggang P21 million, ayon sa international auction house na Sotheby’s.