Isinagawa ang isang farewell speech ni US President Joe Biden sa entablado ng Democratic National Convention.

Kung saan pagtungtong pa lamang nito sa entablado ay rinig na ang sigawan at ang pagpapasalamat ng taumbayan sa presidente.

Ayon kay Biden, may 5 na lamang itong buwan bilang isang presidente ng bansa at sa loob ng kaniyang panunungkulan ay ibinagay nito ang lahat para sa serbisyo.

--Ads--

Dito na niya binitawan ang katagang ” I love my job, but i love my country more”.

Binigyang diin naman nito sa kaniyang pahayag ang pagpapanatili ng demokrasya, senado, house of representatives – at sinabing si US Vice President ang karapat-dapat para sa posisyon.

Pinabulaanan naman nito ang kuro-kuro hinggil sa kaniyang pagbibitiw bago matapos ang termino, at sinabing wala ito sa kaniyang plano.

Samantala, nagsalita rin si Harris sa harapan at ipinaabot ang pasasalamat sa pangulo at sa mga sumusuporta sa kaniya.