Dagupan City – Pinangunahan ni COMELEC Chairman George Erwin Garcia ang 2024 Voters Education and Registration Fair and Automated Counting Machine Registration Demonstration sa lungsod ng Dagupan.

Ayon naman kay Atty. Marino Salas Provincial Supervisor, COMELEC- Pangasinan, 1 buwan na lang ang natitira kung kaya’t dapat ay magparehistro na ang mga hindi pa rehistrado sa eleksyon.

Sa kasalukuyan, patuloy pa rin ang kanilang pagpapatupad ng mga aktibidad na naglalayong magbigay alam sa publiko partikular na sa mga residente ng lalawigan na kinakailangan nang ayusin ang mga voters gaya na lamang ng correction of entries, at transfer.

--Ads--

On-going din ang paglilinis ng mga ito ng listahan, upang sa mismong halalan ay hindi magka-aberya.

Samantala, ito naman ang kauna-unahang pagkakataon na machine ang gagamitin sa region 1 at hinihintay na lamang ang schedule.

Paalala naman ni Salas sa publiko, bukas ang kanilang tanggapan at ayusin na ang mga dapat ayusin bago pa man sumapit ang hahalan.