Dagupan City – Tila hindi raw nagmamadali ang Korean Idol na si Lee Dong Wook, 42-anyos sa paghahanap ng lovelife!

Ayon kay Lee, nais naman nitong magkaroon ng nobya ngunit sa ngayon ay tinatamad pa raw siyang makipag-date at makipagkilala.

Ang rebelasyong ito ni Lee Dong Wook ay nangyari nang mag-guest siya sa YouTube series na Pinggeyo, kasama sina Chang Hee at Running Man members na sina Yoo Jae Suk at Ji Suk Jin.

--Ads--

Kung saan makikita sa YouTube series na kumakain ang apat habang nagkukuwentuhan nang biglang nadumihan ang damit na suot ni Ji Suk Jin.

Agad itong napansin ni Lee Dong Wook, kaya’t inabutan niya ng tissue na pangpunas sa narumihang damit ni Ji Suk Jin.
Ang ginawa nito ay ikinatuwa ni Ji Suk Jin kung kaya’t tinukso niya na maaaring ganito ka-sweet ang aktor sa kanyang girlfriend.

Biglang sagot naman nito na marahil ay ganito siya sa kaniyang dating nobya, ngunti hindi na nito amtandaan ang last na babaeng na-idate nito, tingin daw kasi ni Lee Dong Wook ay hindi niya ito magagawa ngayon dahil hindi naman na siya nakikipag-date.

Bukod sa busy niyang schedule at enjoy siya sa buhay bilang single, parang na-o-overwhelm siya sa mahabang proseso ng pakikipag-date.

Ang South Korean superstar ay kilala sa mga ginampanan at pinagbidahan niyang karakter sa mga K-drama series na gaya ng My Girl (2005-2006), Scent of A Woman (2011), Hotel King at Goblin (2016), Touch Your Hearts (2019), at Tale of the Nine-Tailed (2020).