Desidido ng magretiro si Seven-weight world champion Amanda Serrano.

Sinabi nito na magiging huling laban na lamang niya ay kay Australian boxer Skye Falzon.

Gaganapin ito sa Enero 9 sa Puerto Rico.

--Ads--

Sa nasabing laban ay idedepensa niya ang kaniyang WBA at WBO featherweight sa sariling bansa nito.

Mayroong record ito na 50 panalo, apat na talo at isang draw.

Target nitong mabasag ang all-time women’s knockout record sa kaniyang huling laban.

Naging professional boxer siya noong taong 2009.

Sinabi nito na naging masakit ang desisyon para sa pagreretiro dahil ito na ang itinuturing na buhay niya.

Huling laban nito ay noong tinalo niya si Lucrecia Manzur ng Argentina para makamit ang ika-50 na panalo.

Subalit sa nasabing laban ay hindi siya nakakuha ng knockout para malampasan sana ang record ni Christy Martin ng US na mayroong 32 KO wins.