BOMBO DAGUPAN – Libu libong katao ang masayang sumaksi sa heroes’ parade para sa Team Philippines na matagumpay na nakapag-uwi ng medalya mula sa 2024 Paris Olympics.

Isinara ang ilang bahagi ng kalsada sa Maynila kung saan ay nagsimula ang parada sa Aliw Theater sa Pasay City at binaybay ang Roxas Boulevard.

Magtatapos ang parada sa Rizal Memorial Sports Complex sa Maynila.

--Ads--

Hindi pinayagan ang mga nanood na makalapit sa mga atleta para sa kanilang seguridad.

Nanguna sa parada si gymnast Carlos Edriel Yulo na humakot ng dalawang gintong medalya sa Paris Games.

Kasama nito sina boxers Nesthy Petecio at Aira Villegas na kapwa sumuntok ng tansong medalya sa kani-kanyang dibisyon.