Natapos na ang kampanya ni Pinay boxing star Nesthy Petecio sa Asian Games.

Tinalo kasi siya ni Yang Chengyu ng quarterfinals ng womne’s 60 kilogram division.

Ito na ang pangatlong Asian Games ni Petecio na hindi nakapag-uwi ng anumang medalya.

--Ads--

Sinabi nito na hirap na itong makapaglaban pa kaya ipinapaubaya na lamang niya sa kapatid nitong si Norlan.

Ang susunod kasi na Asian Games ay gaganapin sa Qatar sa taong 2031 kung saan umaasa ito may mga bagong henerasyon ng boksingero ang magtatagumpay.