BOMBO DAGUPAN- Hindi umano interesado ang Ukraine na hawakan ang teritoryo ng Russia matapos ang kanilang pagpasok sa rehiyon ng Kursk.

Ayon sa tagapagsalita ng Ukraine Foreign Minsitry na hindi umano nila kailangan ang pagmamay-ari na ng iba. Interesado lamang sila sa pagprotekta ng kanilang mga mamamayan.

Sinabi din nito na ang kanilang paglusob sa Russia ang magpapahina ng firepower ng mga ito sa eastern Ukraine.

--Ads--

Samantala, nagbukas naman ang Russia ng 400 na pansamantalang mga shelter sa kanilang bansa upang may masilungan ang 30,000 mga lumikas. Umaabot naman sa 121,000 katao ang lumikas sa kanilang mga kabahayan.