BOMBO DAGUPAN – Nasa higit sa 160 na magsasaka sa bayan ng Manaoag ang tumanggap ng mahalagang tulong pinansyal na nagkakahalaga ng P10,000 bawat isa.

Bahagi ito sa implementasyon ng Presidential Assistance to Farmers, Fisherfolk, and Families (PAFF) ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. kasama sa tanggapan ni Congressman Christopher De Venecia at ng Lokal na Pamahalaan ng Manaoag, sa pamumuno ni Mayor Jeremy Agerico “Doc Ming” B. Rosario, upang ipatupad ito.

Layunin ng programang ito na tulungan ang mga magsasaka na naapektuhan ng matinding init, upang matugunan ang mga hamon kaugnay ng kanilang pananim at mga gawain sa pagsasaka.

--Ads--

Pinahayag ni Mayor Rosario ang pasasalamat para sa patuloy na tulong at suporta na ibinibigay sa mga magsasaka sa Manaoag na nagbibigay-diin sa kahalagahan ng ganitong mga hakbang sa pag-angat ng sektor ng agrikultura.