BOMBO DAGUPAN-Hindi na nagawa pang makaabante ni Pinoy Boxer Nesthy Petecio upang ipaglaban ang gintong medalya matapos nitong matalo sa kamao ni Polish Boxer Julia Szeremeta sa pagtatapat nila sa Women’s 57kg Boxing Division.

Ipinakita man ni Szeremeta ang bilis ng pagsuntok nito subalit hindi nagpatinag si Petecio. Nakuha ni Petecio ang pefect score mula sa 5 judges para sa Round 1.

Nagpakita na ng pagiging agresibo ang katapat ni Petecio kung saan naging balakid ito sakaniya upang makaatake.

--Ads--

Sa huling Round, isang all out battle ang nangyari kung saan nagpalitan na ng suntok ang mga atleta. Subalit pumabor ang Round na ito para sa Polish Boxer.

Sa pamamagitan ng unanimous decision, hindi na nagawang makaabante ni Petecio para sa gintong medalya ngunit iuuwi nanman niya ang bronze medal.