BOMBO DAGUPAN – Bahagyang bumilis o tumaas ang inflation rate ng bansa sa buwan ng Hulyo sa 4.4 percent mula sa 3.7 percent noong nagdaang Hunyo.
Ayon sa Philippine Statistics Authority, naitala ito sa 4.4 percent mula sa 3.7 percent dahil sa mataas na singil sa kuryente, tubig, renta ng bahay at iba pang commodities.
Pasok naman ito sa naunang projection ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) para sa buwan ng Hulyo na 4.0 hanggang 4.8 percent pero lagpas naman ito sa 2 hanggang 4 percent na target ng kasalukuyang administrasyon.
sinabi ni PSA Chief at National Statistician Claire Dennis Mapa, ang average inflation mula Enero hanggang Hulyo ay nasa antas na 3.7% kung saan ang pangunahing dahilan ng pagtaas ng inflation ay ang mas mabilis na pagsipa ng presyo ng kuryente at LPG.
Sinundan ito ng mas mabilis na pagtaas sa presyo ng food at non-alcoholic beverages na nasa 6.4% inflation, kabilang ang presyo ng manok, saging at isda.
Nakaambag din sa inflation ang mabilis na galaw sa presyo ng gasolina at diesel.